|
Post by TiniWini on Jun 1, 2009 8:49:33 GMT 7
I'll think of a better name next time. HAHAHAHA!
EDIT: I think I'll keep it at NINJA. XD
================================ ================================ Tanung nga ng marami, anung saysay mo sa buhay kung pare-pareho lang naman ginagawa mo sa araw-araw, diba? “PABILI!” sigaw ng batang tinatalaktak ang barya sa bakal na gate ng bahay. “Jeff! May bibili daw!” Sigaw ng nanay ni Jefferson habang sya’y naglalaba sa likuran ng bahay. “Kuya Jeps!” sigaw ng bata, “May cheese curls kayo?” “Wala.” “Roller coaster?” “Wala rin.” “Kornets?” “Wala rin, boy.” “Clover chips?” “Maliit o malaki?”Laking ngiti ng batang nalaman na may benta pala. “Malaki po!”“Wala rin.” “Edi maliit na lang.” “Ayy, ubos na.” “Taena naman Jeps eh! Anung klaseng sari-sari store to?” malutong na nagmura ang batang siyam na taong gulang na taga dun sa kanto. “Sino ba may sabing sari-sari store to? Dyaryo, kape’t mangga lang benta naming dito. Di ka ba nagbabasa?” Sabay turo ni Jefferson sa karatulang naka-pastil sa gate na “Jefferson’s News Stand”Galit na lumuwas ang batang halatang di naman nagets na hindi lahat ng tindahan ay may chichirya’t softdrinks. ================================ ================================
LOL finally, something in Tagalog. I swear, this story will be EPIC.
|
|
|
Post by TiniWini on Jun 1, 2009 8:59:58 GMT 7
Makalipas ang ilang minuto, dumating ang kaibigan netong si Joboy, na tambay sa tindahan araw-araw. Masaya naman si Jefferson na nandun si Joboy kasi palagi syang tumutulong sa mga gawain sa bahay at palagi rin syang may nakakatawang kwento. “Jeff! Nabalitaan mo ba yung nangyari sa simbahan kagabi?” Masayang tinanong ni Joboy kay Jefferson. “Hinde. Bakit? May sanggol nanaman bang iniwan sa pinto ni Father Berto?” “Dood, mas astig pa dyan!” O kay hilig nyang magsabi ng dood, pare, chong, at kung anu-ano pang mga tawagan na astigin. “Edi ano? Pwede ba’t magkwento ka na’t may gagawin pa ko.” “Chong, may ninja daw dun!” “Ninja?” “Dood, astig kaya! Buhat daw nya ung isang magnanakaw ng bigas sa palengke tas isinabit daw sa tore ng kampana!” “Ha? Pano nangyari yun? At san sya kumuha ng hagdang ganung ka-taas?” “Dehins sya gumamit ng hagdan! Tumalon daw sya! Andami kayang nakakita! Isang hakbang lang at nai-talon nya ung tore!” “Imposible yun, Jobs. Walang taong kayang gawin yun.” “Hindi kaya’y… Superhero yun?” “Joboy, anung pinagsasabi mo? Sa Amerika lang meron nun! At ang ninja, sa Japan lang meron nun! Tanga ka ba?” “Eh malay mo, bumyahe dito kasi marami nang superhero sa states at marami na ring ninja sa Japan.” “Posible, pero imposible pa rin.” Nung nagu-usap sila, narinig nila ang radio ng kapitbahay ni Jefferson na repair shop. Malakas ang tugtugin ng musika galing sa Popo’s Repair Shop nang biglang dumating ang balita. “Kagabi sa simbahan ng San Agustin, may misteryosong taong nakasuot ng itim, at nakatakip ang mukha at parang superhero na kapangyarihan ang nagsabit sa tore ng kampana ang mga shoplifter at magnanakaw sa palengke kahapon. Natagpuan rin ng San Agustin Fire Department ang ilan sa mga sindikatong kilala sa bayan ng San Agustin na mga pusher ng rugby at mga rapist. Nagu-ulat, Bokbok Mercado!”Nagtitigan na lang sila Jefferson at Joboy na parang clueless ang dating. Pwedeng yun nga, o pareho silang natatae at paunahan na lang sa CR. ================================ ================================
Ano na? Hahaha!
|
|
|
Post by Blessed Devil on Jun 1, 2009 11:57:10 GMT 7
You had better not fuck this up, Purplicious, or else I swear I'll be writing a story about you, too.
|
|
|
Post by TiniWini on Jun 1, 2009 12:45:10 GMT 7
LOL it means you like it so far? Far better than the "Life is a Play" thing?
|
|
|
Post by Blessed Devil on Jun 1, 2009 13:43:50 GMT 7
I'm not saying I like it since, evidently, there's nothing happening.
|
|
|
Post by TiniWini on Jun 1, 2009 14:10:05 GMT 7
“Aba’y totoo pala yung sinasabi mo, ano?” Tanong ni Jefferson kay Joboy. “O, eto tanong para sayo. Pano kung may kapangyarihan ka, pano mo to gagamitin?” tanong ni Joboy kay Jefferson. “P’re, isa lang kapangyarihan ko. At yan ay mang-asar.” Tawa-tawang sinagot ni Jefferson. “Tarantado ka rin kahit kelan no? Pero di nga. Kung lumilipad ka’t may lakas ka na parang Edward Cullen, anung unang gagawin mo?” “Edward Cullen? Diba bading yun?” “Ewan ko sayo. Eto, Superman na lang. Pano kung ikaw si Superman, anung una mong gagawin?” “Uumpisahan ko nang isuot ang brief ko sa loob at hindi sa labas. Tapos syempre, papa-salvage ko ung gagong mayor natin at mga rugby boys sa kanto.” “ANU NANAMAN YANG PINAGU-USAPAN NYO?” Sigaw ni Aling Precy, nanay ni Jefferson. “Superman? Walang ganun dito! At yang ninja na yan? Baka artista lang yan! Pero si Edward Cullen, haay! YUN ANG SANANG MAGKATOTOO!” sabay nagsi-tawanan ang tatlo. “O sya, ako’y mamamalengke na, bantayan nyo ang bahay at tindahan ha!” =============================================================== =============================================================== Nang umalis si Aling Precy, agad-agad namang ininterview ni Joboy si Jefferson na parang imbestigador. “Anung totoo mong pangalan, edad, at kapangyarihan?” tanong ni Joboy. “Uhh...” “Ilan ang totoo mong kamay, paa, ulo at mata?” isa pang tanong. “Ehh...” “Sagutin mo ang mga tanong kung ayaw mong masaktan.” ika ni Joboy, habang lalong itinutok ang ilaw kay Jefferson. “Lam mo, ang aga aga, nagsasayang ka na ng kuryente.” sagot ni Jefferson sa malikot nyang katropa. “Ang KJ mo.” “Sige na nga, gusto ko maging kasing lakas ni Hulk, kasing bilis ni Flash, at kasing gwapo ni Green Lantern” sagot ni Jefferson. “So, katawan ni Hulk, bilis ni Flash, at mukha ni Green Lantern. Anu ka, bading?” tanong ni Joboy na halos himatayin sa tawa. “Taena ka, basta kung anung kaya kong gawin para makatulong.” sabi ni Jefferson. “Taena ka rin! Hahaha!”Habang nagtatawanan at pinagpapantasyahan nila ang mga trip nilang superpower, nakarinig sila ng tili ng tila magandang babae. Nakita nila’t sya pala si Dana, ang mayaman na Am-girl na nakatira sa kabilang kanto. May tumatahol na aso’t mga tambay na pumapalibot sa kanya at imbis na tulungan sya, mukang didiskarte silang malupit kay Dana. Nagkatitigan nanaman sila Jefferson at Joboy nang sabay silang nagsagutan. “TARA!” ================================ ================================
EPIC. LOL.
|
|
|
Post by Blessed Devil on Jun 1, 2009 17:02:18 GMT 7
Is this a comedy? If it is, then where are the jokes?
|
|
|
Post by chuna on Jun 1, 2009 19:08:38 GMT 7
Well, I do like this better than "Life is a play".
This one's different, and iba sound ng tagalog.
|
|
|
Post by TiniWini on Jun 1, 2009 23:20:47 GMT 7
Habang tumatakbo sila papunta sa ginaganap na krimen, tumigil si Joboy at hinila pabalik si Jefferson. “Chong, ang lalaki ng katawan nila, pano yun?” “O, eto. Dapat laging handa.” Inabutan ni Jefferson si Joboy ng tubo na bakal. “AYOS!”Sumugod sila sa mga lalaking tawag ay mga Tambay Patrol na laging gumagawa ng gulo sa San Agustin. “HOY! Iwanan nyo si Dana!” sigaw ni Joboy. “Help! Help! Tulong!” saklolo ni Dana. Nang sugurin sila ng mga dambuhalang gang member, hinataw ni Joboy ng tubo ang ulo ng isang gang member at sya’y tumumba. Habang si Jefferson naman ay tinulungang tumakbo nila Dana. “JOBOY! TARA NA!” sigaw ni Jefferson. Todo hataw na parang samurai ninja si Joboy nang isa-isang tumumba ang mga gang member. Sabay sumunod kela Jefferson sa kabilang kanto. “Uyy, salamat ah. Kung di dahil sa inyo di ko na alam kung anung ginawa sa kin ng mga gagong yun.” sabi ni Dana at hinalikan sila Joboy at Jefferson. Umuwi sila Jefferson at Joboy na lampas tenga ang ngiti. Pinaguusapan nila kung pano nila ginulpi ang limang maskuladong adik gamit lamang ang tubo, nang biglang humirit si Joboy. “Hoy, akin si Dana ah!” “Ha? ULUL! Bakit ba? Ako kaya nagligtas dun!” sagot ni Jefferson. “Gago. Kung di sa kin, hinahabol pa tayo ng mga gunggong na yun.” “Oo na, magaling ka na. Shet, ikaw ata ang ninja eh!” “Psh, asa ka naman.” sagot ni Joboy nang naka-isip sya ng magandang ideya. ================================ ================================
LOL. Thanks very much! Yes, ibang iba nga ang tunog ng Tagalog. Mas makunat rin pag nagmumura ng tagalog. HAHAHA!
|
|
|
Post by J e e c o . on Jun 2, 2009 17:20:06 GMT 7
Aw, fuck. o.o I have troubles with tagalog stories. Sorry. XD
Anyway, as far as I understand, it is good. XD And parang professional ang dating. Or mas astig. Or something.
Ah, the power of language. XD
|
|
|
Post by TiniWini on Jun 6, 2009 17:41:26 GMT 7
Alas-onse ng gabi, kasasara lang ng tindahan, si Jefferson ay inaantok na. Matutulog na sana sya sa kwarto nya nang biglang narinig nya ang boses ng reporter sa radyo na si Bokbok Mercado. “Bokbok Mercado po naguulat! Nandito po tayo sa simbahan ng San Agustin kung saan matatanaw nanaman po ang ninja na nakaupo sa tore ng kampana...” “Yung ninja nanaman?” tanong ni Aling Precy. “Sino ba yan at nanggugulo sya dito sa bayan natin?”“Mukang iba nanaman ang sinabit nya sa tore! Hindi ba sila yung Tambay Patrol, yung mga pusher ng rugby sa commercial area? Mga kababayan, sila po ngayon ay nanginginig sa takot nang isabit sila ng nasabing ninja sa taas ng kampana.”‘Tambay Patrol? Commercial area? Parang alam ko yan ah.’ isip ni Jefferson. ‘Pero saglit, asan na si Joboy?’================================ ================================
Update to come tomorrow afternoon, as I still have stuff to edit in and edit out in the next chapter, lol! XD
|
|